MAYOR JOY AYAW SA SUGAL

OKAY O OKRAY

Mula nang maupo biglang alkalde ng Que-zon City si Mayor Joy Belmonte, maraming pagbabago ang naga-nap sa lungsod na noon pa man ay maunlad na.

Okay ang mga gusto ni Mayor Belmonte na karagdagang pagbabago sa Quezon City dahil hindi nga naman ito para sa kanya subalit para sa mga mamamayan.

Nais ng alkalde na mawala ang katiwalian sa lungsod na kanyang pinamumunuan kaya okay na okay na ang mga empleyado na sa pagkakaalam niya ay mga tauhan ng ­dating mga namumuno ay kanyang inilipat ng unit at departamento upang maiiwas ang mga ito sa mga gawaing kanilang nakasanayan.

Super okay sana ang kanyang pag ayaw sa mga sugal na namamayagpag dahil sa proteksiyon na ibinibigay ng ilang pulis at maging opisyal ng City Hall.

Pinaka okay ay ang pagbibigay suporta nito sa mga pangangailangan ng mga tauhan ng lungsod na kaakbay niya sa pagpapatupad ng mga pagbabago.

Kung ano ang kailangan ng mga tanggapan ay kanyang ibi-nibigay upang ang mga empleyado ay hindi makaisip gumawa ng kalokohan na puwedeng makasira sa pamunuan ng matikas na babaeng alkalde.

Okray ay may ­mangilan-ngilang mga tauhan si Mayor Joy na tila hindi natatakot na mabuking sila ng kanilang boss sa mga maling gawain nila.

Okray na Okray na ang ilang opisyal na ito na talagang malapit kay Mayora kaya nagagawa nilang dungisan ang magandang image at pangalan ng mga Belmote.

Pinaka Okray ay ang pagkakamal ng pera ng ilan sa mga ito na hindi alam ni Mayora na nagagamit ang kanyang tanggapan.

166

Related posts

Leave a Comment