MEDIA HOUSE EXPRESS -UNANG GLOBAL TV

Bizzness Corner ni Joy Rosaroso

SA larangan ng modernisasyon at teknolohiya, simula nang lumabas ang iba’t ibang plataporma sa social media, malaya na ang komunikasyon ng mga tao saan mang panig ng mundo.

Ito rin ang dahilan o rason kung bakit hindi na mga sulat at telegrama ang ginagamit ngayon ng karamihan.

Sapagka’t mayroon na tayong messaging apps pati na rin ang makabagong banking system.

Tunay na marami na ang nabago at nagbago sa kasalukuyang panahon gamit ang siyensya at teknolohiya at ito ay napakikinabangang mabuti naman, ika nga, at malaya na rin ang sinoman na magsabi kung ano ang kanilang saloobin o puna sa mga kaganapan at mag-post ng kung ano ang kanilang naoobserbahan sa mga pangyayari.

Sakto, ito ang sitwasyon sa pamunuan ng Media House Express, ang kauna-unahang global internet television radio na mayroong mga programa simula alas-6 ng umaga hanggang hatinggabi, Lunes hanggang Sabado na binubuo ng mga beteranong journalist at prominenteng mamamahayag na galing sa mga institusyong radio/ TV station sa bansa. Ipinakikita ang balanseng palatuntunan patungkol sa serbisyo publiko at balita at sports, showbiz plus entertainment updates at mga okasyong magbibigay- tulong sa ating mga kababayan.

Ito ay pinamamahalaan din ng mga batikang mamamahayag sa pangunguna ni MHE President Allan Afable Hobrero at Ms. Irma E. Tia na ang nasa puso ay ang kapakanan ng mga kapatid na reporter at mediamen kung kaya naman kaalinsabay ng MHE outlet, nagtatag din sila ng MHE Service Cooperative para siguradong matutulungan ang mga kapwa mamamahayag, at makapagbigay-tulong sa mga nangangailangan at kapus-palad.

Ang good news, malapit nang ilunsad ang website ng Media House Express. Katunayan, pwede na nating gamitin ang online media tech to convert to business any of media undertakings.

Pareho nang ginawa ng Media House Express na TV-radyo ang nasabing media firm.

338

Related posts

Leave a Comment