MGA OPISYAL NG DOTr, HANDANG IBIGAY ANG KANILANG 14TH MONTH PAY

HAGUPIT NI BATUIGAS

SALUDO tayo kay Department of Transportation Secretary Art Tugade at sa kanyang mga tauhan dahil nakahanda silang ibigay ang kanilang 14th month pay sa mga kababayan nating nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay Secretary Tugade, napagkasunduan nilang ibigay ang kanilang 14th month pay para sa mga nasalanta ng lindol. Kabilang pa sa mga magdu-donate ay ang kaniyang management team na binubuo ng lahat ng undersecreta­ries, assistant secreta­ries at mga pinuno ng attached agencies.

Katunayan ng kanilang pagkakaisa ay umabot na umano sa P1.2 milyon ang kanilang nalikom dahil sa nasabing pledge.

Napakagandang initiative ang ginawa ni Secretary Tugade na ibigay ang kanilang 14th month pay sa mga kababayan nating nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Sana lahat ng mga opisyal ng gobyerno ay gayahin ang ginawa ni Tugade dahil malaking tulong ito sa kanilang mga pangangailangan.

Maging ang tatlong airline companies na Cebu Pacific, Philippine Airlines at Air Asia ay nagpahayag ng kanilang kahandaan na ipagamit ang kanilang mga eroplano para sa paghahatid ng relief goods sa mga nasalanta ng lindol.

Sa totoo lamang, ma­raming NGOs ang nakibahagi sa pagtulong sa ating mga kababayan kung saan nag-donate rin ang mga ito ng relief goods, patunay lamang na ang mga Filipino ay may mga ginintuang puso. ‘Ika nga, likas sa mga Pinoy ang pagiging matulungin.

Tingnan mo naman si Senador Manny Pacquiao, tumutulong sa mga mahihirap, namimigay siya ng mga pabahay, bukod pa sa cash na kanyang ibinibigay sa mga mahihirap.

Ang sabi nga ng senador, mas mainam ang nakatutulong sa mga kap­wa Filipino, isini-share lamang niya ang kanyang blessings na ipinagkaloob ng Panginoong Diyos, dahil batid ni Pacquiao kung paano ang maging isang mahirap.

Kaya kayong mga mayayamang senador, tularan ninyo si Pacquiao, mamahagi rin kayo ng inyong mga kayamanan at mga kinita sa pork barrel. Period! (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

332

Related posts

Leave a Comment