PANUNUMPA NI CONG. ERWIN TULFO AT PRAYORIDAD NI TOURISM SEC. FRASCO

TARGET NI KA REX CAYANONG

WALA nang legal na balakid sa pag-upo ni Cong. Erwin Tulfo bilang bagong kinatawan ng ACT-CIS party-list.

Sa pagbubukas kasi ng second regular session ng Kamara, aba’y nanumpa na siya sa harap ni House Speaker Martin Romualdez.

Ang panunumpa ni Tulfo ay nangyari matapos mag-isyu ang Commission on Elections (Comelec) ng certificate of proclamation kung saan iniluklok siya bilang third nominee ng party-list.

Siya ang pumalit kay dating Cong. Jeffrey Soriano (third nominee) na binakante ang posisyon noong Pebrero 2023.

Ang pagpalit niya kay Soriano ay nakasaad sa Section 16 ng Republic Act 7491 o Party-List System Act.

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, lalo na kay Speaker Martin Romualdez. I am sending my full support to the current leadership in Congress particularly for their dedication to advancing important legislation. The current leadership in Congress are essential for the progress and well-being of our nation,” pahayag ni Tulfo matapos ang kanyang panunumpa sa tungkulin.

Pagpapatuloy pa ni Tulfo: “Makaaasa po kayo na ako po ang magiging kakampi ng mga mahihirap at ng inaapi sa Kongreso, katulad po ng matagal ko nang ginagawa.”

Samantala, inanunsiyo nga pala ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na isinusulong nila ang culinary tourism bilang isa sa multidimensional tourism product offerings ng bansa.

“𝘖𝘶𝘳 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘍𝘦𝘳𝘥𝘪𝘯𝘢𝘯𝘥 “𝘉𝘰𝘯𝘨𝘣𝘰𝘯𝘨” 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴, 𝘑𝘳. 𝘦𝘯𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘵𝘰 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘢 𝘱𝘳𝘪𝘮𝘢𝘳𝘺 𝘳𝘰𝘭𝘦 𝘪𝘯 𝘈𝘴𝘪𝘢, 𝘪𝘯 𝘵𝘦𝘳𝘮𝘴 𝘰𝘧 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘪𝘯𝘵𝘳𝘰𝘥𝘶𝘤𝘦 𝘪𝘵𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰��𝘭𝘥, 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘴𝘱𝘦𝘤𝘵 𝘰𝘧 𝘧𝘶𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘥𝘷𝘦𝘯𝘵𝘶𝘳𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘭𝘺, 𝘵𝘰 𝘢𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘰 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘰𝘶𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘭𝘪𝘦𝘴 𝘪𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺, 𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘳𝘪𝘵𝘢𝘨𝘦, 𝘰𝘶𝘳 𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘵𝘺, 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴, 𝘪𝘯𝘤𝘭𝘶𝘥𝘪𝘯𝘨, 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺, 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘶𝘭𝘪𝘯𝘢𝘳𝘺 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴,” wika ni Frasco sa ginanap na World Chefs Asia President Forum 2023 sa Pasay City nitong Lunes.

Sa tatlong araw na forum na co-hosted ng Tourism Promotions Board Philippines (TPB) ng DOT, ay nagtipon-tipon ang 100 delegado mula sa 18 bansa, kabilang ang mga nasa hanay ng food and beverage (F&B) and hospitality industries, leaders, professionals, educators, suppliers, Philippine Culinary Cup judges, at competitors mula sa member countries ng different Asia-Pacific chefs associations.

“𝘜𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘛𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘗𝘭𝘢𝘯 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘢𝘱𝘱𝘳𝘰𝘷𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴, 𝘰𝘯𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘧𝘪𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘖𝘛 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘰𝘧 𝘮𝘶𝘭𝘵𝘪𝘥𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮, 𝘵𝘰 𝘦𝘯𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴, 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘢𝘳𝘦 𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘵𝘰 𝘦𝘯𝘫𝘰𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘪𝘥𝘵𝘩, 𝘭𝘦𝘯𝘨𝘵𝘩, 𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘥𝘵𝘩 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘧𝘧𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨𝘴. 𝘈𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘴 𝘸𝘩𝘺 𝘸𝘦’𝘳𝘦 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘵𝘰 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘤𝘶𝘭𝘪𝘯𝘢𝘳𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘢𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘤 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮,” dagdag pa ng masipag na kalihim.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

52

Related posts

Leave a Comment