PETC STAKEHOLDERS, NALITO SA MEMO NI USEC. TUAZON

Misyon Aksyon

NAKAKATUWA ang ipinalabas na memo ni Atty. Artemio Tuazon, usec  ng Department of Transportation (DOTr) noong May 14, 2019 na nakasaad ang “All PETC stakeholders IT service providers LTO regional directors; Subject: public consultation on the proposed amendments to department order 2012-10.”

Ibig sabihin ay inaanyayahan siya ng taga-PETC para sa isang pampublikong konsultasyon. Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan sa mga PETC stakeholders kung sino ba talaga ang nagpapatawag sa isang pampublikong konsultas­yon, ang kanilang pangulo ba na si Jun Evangelista o si Atty. Artemio Tuazon na usec at chief of staff ni DOTr Sec. Athur Tugade? Agad namang binawi ng DOTr ang kanilang memo noong May 16, 2019 na may nakalagay naman na “For: All PETC’s IT service providers LTO regional directors. From: Director Franchising Review Staff (DFS). OIC-Officer of the directors, Investigation, Security, And Law Enforcement Staff (ISLES) Subject: advisory to all vehicle owners bearing no license plates during emission testing.”

Ang isa pang nakakapagtaka ay pinadalhan ng memo ang mga PETC stakeholders ng Marvel Cotabato, Cagayan, Davao para sa pampublikong konsultasyon mula sa tanggapan ni Usec. Atty. Tuazon.

Sa kanyang “Memo No. 2 The Original Copy of the Official Receipt/Certificate of Authorization (OR/CR) of the Vehicle Subject of Emission test must likewise be displayed,” tila malilito ang publiko kung saang ahensiya sila kukuha ng Certificate of Authorization dahil ang nakalagay sa kanilang CR ay hindi “authorization” bagkus ay “registration” ang nakasulat at tamang tawag. Tinatawagan ng pansin: Pangulong Roa Duterte at DTOr Secretary Arthur Tugade. Mga sir, sa mga ipinalalabas ninyo pong mga memorandum na ang sinasaad ay paanyaya sa ilalim ng inyong pinangangasiwaang ahensiya ay nagkakaroon ng kalituhan dahil sa maling gamit ng mga salita na hindi tugma sa inyong mga inilalabas na sirkular kung saan kukuha at pupunta ang publiko dahil may mga bagay na ‘di akma sa inyong ginagawa. Una, bakit mayroon po silang sinasabi na namimili kayo ng mga iimbitahan sa pampublikong konsultasyon at ang mga pinadalhan ninyo ng imbitasyon ay taga-Minda­nao, gaya ng Marvel, Caga­yan at Davao na kung ikaw ay dadalo ay hindi mo magagawang agad-agad makapunta dahil malayo. Bakit hindi mga taga-Luzon ang inanyayahan ninyo sa inyong pampublikong konsultasyon dahil maaari silang tumugon sa agaran ninyong patawag. Tiyak ma­rami rito ang makakatugon sa inyong panawagan.

Hindi kaya sa hindi maa­yos na memo ay lalong malito at magulo ang mga may kinalaman dito?

Ang isa sa nakakatawag pansin ay ang bawat nakatalaga o naluluklok sa puwesto ay mga de-kalidad at magagaling na tao kaya bago ilabas ang anumang uri ng ipatutupad na patakaran ay sinasala muna ito. Bakit po ang inilabas ninyong memo na May 16, 2019 ay tila baga marami at mga mali na maaaring mapinsala ang kapakanan ng publiko. Dahil marami pong maapektuhan at tatamaan dahil ang inyong mga pinalalabas na kautusan ay dapat para sa kapakanan ng publiko, na siyang dapat prayoridad ninyo hindi ang personal na kapakinabangan. Mga sir, may kasabihan po na ang isda ay nahuhuli sa sari­ling bibig. (Misyon Aksyon/ARNEL PETIL)

253

Related posts

Leave a Comment