PILIPINAS MAGTATANGKANG BUMALIK SA OLIMPIYADA MATAPOS ANG 48-TAON

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA

 

ATANGKAIN ng 2019 Southeast Asian Games men’s 3×3 basketball champion Team Pilipinas na makapaglaro sa Tokyo Olympic Games matapos ang 48 taon.

Lalahok ang pambansang koponan, na ­pangungunahan nina Moala Tautuaa ng San Miguel Beer at CJ Perez ng Tierra Firma ­(dating Columbian Dyip) sa 3×3 Olympic Qualifier na ­gaganapin sa Mayo 26-30, 2021 sa Graz, ­Austria.

Huling naglaro ang Pilipinas sa Olimpiyada noong 1972 sa Munich kung saan ang ating koponan sa 5×5 na hinawakan ni coach Ignacio “Ning” Ramos at pinamuan ni team captain Ed Ocampo ay tumapos na pang-13 sa 16 mga kalahok na koponan.

Kasama nina Tautuaa at Perez sa Team Pilipinas ang mga amateur na sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, na pinalitan sina Chris Newsome ng Meralco at Jason Perkins.

Sina Newsome at Perkins, dalawa sa mga miyembro ng 30th SEA Games champion team, ay umatras dahilan sa kanilang reponsibilidad sa kanilang koponan sa muling pagbubukas ng 45th PBA season.

Ang Pilipinas na pang-20 sa mundo, ayon sa FIBA ­rankings, ay kalahok sana sa Olympic Qualifier noong Marso 18-22 sa India ngunit na-postpone ito sa susunod na taon dahil sa ­COVID-19 pandemic.

Haharapin nina Tautuaa at Perez at mga kasama ang mga kalabang binubuo ng Dominican Republic, Slovenia, France at Qatar sa Group C ng 20-team qualification round kung saan ang tatlong pinakamahuhusay na koponan ang papasok sa XXXII Games of the Olympiad, na naurong naman sa Hulyo 23 hanggang ­Agosto 8 dahil pa rin sa pandemic.

Ang 1972 Munich Olympic Games team na nanalo ng ­tatlong beses sa siyam nitong asignatura ay binuo nina Bogs Adonado, Narciso Bernardo, Joy Cleofas, Danny Florencio, Jimmy Mariano,

Yoyong Martirez, Tembong Melencio, Manny Paner, Jun Papa, Mazte Samson at Freddie Webb.

Tinalo nina Ocampo at mga kasama ang Senegal 68-62, Japan 82-73, at Egypt by default, para tapusin ang kanilang kampanya na may 3-panalo at 6-talong kartada at ­madeklarang Asian at

African unofficial champion ng torneo.

132

Related posts

Leave a Comment