PILIPINAS, TAGUMPAY SA PANGANGASIWA NG AESIEAP CEO CONFERENCE 2019

SA GANANG AKIN

Sa gitna ng matinding paghahanda ng ating bansa para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games, isang paghahanda pa ang isinagawa nito para naman sa kagaganap lamang na Association of Electricity Supply Industry of East Asia and the Western Pacific (AESIEAP) CEO Conference 2019.

Hindi lamang sa larangan ng isports gumagawa ng magandang marka ang ating bansa kundi pati na rin sa industriya ng kuryente. Nagtapos ang nasabing pagpupulong nang may malinaw na direksyong patungo sa sustainability at pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya na siyang prayoridad nito. Ito ay ginanap noong ika-23 ng Setyembre sa Cebu.

Nagtipun-tipon ang mga malalaking personalidad sa industriya upang pag-usapan ang mga hamon sa industriya at ang mga solusyon sa mga ito.

Isang malaking kadahilanan ng tagumpay ng pagpupulong ay ang matinding suportang ibinigay ng gobyerno rito. Nagpaunlak ng espesyal na talumpati si DOE Secretary Alfonso Cusi sa ngalan ni President Rodrigo R. Duterte. Sabi niya, “Despite racing to meet our current energy requirements, we always need to ensure that the decisions we make today will not endanger the ability of the coming generations to fulfill their own needs in the future. There must be strong synergy between the public and private sector to secure a progressive, inclusive, and sustainable energy future.”

Iminungkahi ni AESIEAP Secretary General at Meralco PowerGen Corp. President & CEO Rogelio L. Singson, “This is a gathering of influential CEOs and government leaders who are in the position to come up with transition plans for the adoption of energy efficiency, renewable energy and information communication technologies. Renewable energy penetration in the Philippines is at 32%.”

Ang CEO Conference ay isang bahagi pa lamang ng biennial AESIEAP conference.

Marami pa tayong aasahang mga kaganapan sa susunod na taon.

Ang matibay na relasyon sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang magsisilbing gabay natin patungo sa maliwanag na kinabukasan para sa lahat. (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)

134

Related posts

Leave a Comment