NAKAKATUWA naman itong si Quezon City Police District director P/BGen. Ronnie Montejo dahil kahit panay ang banat sa kanya ng mga mamamahayag kaugnay sa ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan ay hindi niya ito ikinasasama ng loob.
Okay siya dahil itinuturing pa rin niyang kaibigan ang mga bumabanat sa kanya at hindi niya pinepersonal ang mga ito. Sabi niya, pareho lang namang nagtratrabaho ang mga pulis at reporters kaya ibinabalita lang ang kung ano ang kanilang nakikita.
Okay na okay rin ang kanyang ginagawang pagpapa-raid sa mga makina ng video karera na kamakailan ay sinunog sa Camp Karingal sa Quezon City na nagpapatunay na kanya ring pinaigting ang kampanya laban sa droga.
Mas okay aniya na pagtuunan niya ng pansin ang pagbibigay ng kaalaman sa kanyang mga pulis kaugnay sa paglaban sa nakakatakot at nakamamatay na bagong novel coronavirus mula sa Wuhan, China kung kaya’t naglunsad ang kanyang tanggapan ng ‘crash course’ para mabigyan ng lesson para sa kahandaan sa nasabing virus ang kanilang mga tauhan.
Pinaka-okay ay mismong si Montejo ay nakiisa sa crash course na pinangasiwaan ng mga medical personnel ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at QCPD District Health Service at QCPD Crime Laboratory.
Okray lang naman ay ang pagkalat ng virus lalo na ng mga fake news kaya naaalarma ang mga tao. Pero kung ang pagbabatayan lang ay ang pina-labas na mga kaalaman ng Department of Health, hindi tiyak maliligaw ang mga tao hinggil sa totoong issue ng 2019 novel coronavirus.
Okray na okray din ang mabagal na kilos ng pamahalaan lalo na ang pagbawas sa budget ng Department of Health (DOH) kaya naman nakagapos din ang kamay ng mga ito sa mga dapat gawin.
Mas okray ang pagkakaroon ng panic buying sa face mask dahil tumaas nang sobra-sobra ang presyo nito na dati namang nakatambak lang ito sa mga bodega at hindi masyadong pinapansin.
Pinaka okray sa lahat ay ang hindi pagsunod ng marami sa mga mamamayan sa tamang paraan sa paglaban sa virus na ngayon ay lumikha ng matinding pangamba at takot sa puso at isipan ng mga mamamayan hindi lang sa China at Pilipinas subalit sa buong mundo.
Sundin lang natin ang tamang paraan ng kalini-san at hindi tayo tatalaban nito maliban na lang kung mahina ang ating immune system.
158