QUEZON CITY VENDOR BUSINESS SCHOOL

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

KAILANGAN ng masusing pag-aaral patungkol sa Quezon City vendors. Isa sa mga hakbang ang paglulunsad kamakailan ng Quezon City ng Vendor Business School sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Ito ay upang tulungan ang mga market vendor na maging responsableng negosyante.

Ito ang kauna-unahang programang Vendor Business School katuwang ang Consultative Group for International Agricultural Research Resilient Cities Project, isang international research group upang pahusayin ang estado ng daloy ng pagkain o mga sistemang pangangailangan sa buong mundo at makamit ang seguridad sa pagkain.

Inaasahan ng Quezon City government na ito ay hindi lamang sa pagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan nito kundi pati na rin sa pagkintal ng kaalaman hinggil sa pagbabago ng klima.

Maswerte ang unang batch (VBS), 49 vendors at 60 hawker vendors na sasailalim sa pagsasanay sa loob ng anim na buwan para sa entrepreneurship, food safety, market technology at adaptation sa climate change at tamang calorie content para sa kanilang produktong pagkain.

Samantala, bakit dapat tumutok sa negosyong nano? Ang pamahalaan ng Quezon City ay puno ng pakete para sa maliliit na negosyo, para itong Quezon City Small Business Development and Promotions office na nag-aalok ng mentorship sa Micro at Small Enterprises at nagbibigay daan sa market linkage at product development sa pangkabuhayan ng Quezon City at nagbibigay rin ng livelihood training at capital assistance para sa mga start-up business.

Ang Nairobi sa Kenya ay mayroon ding Vendor Business School – ang tanging lungsod sa mundo.

Bilang kinatawan ng business sector sa Quezon City Development Council, ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan na nangunguna sa isang Entrepreneurial Project, na maaaring tularan ng ibang local government units dito at sa ibang bansa.

Ang pagsisikap na ito ng Quezon City government ay sagot sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang mga negosyong NANO sa 42nd Summit ng Association of Southeast Asian Nations, itinulak ng Pangulo ang pagkilala at suporta para sa negosyong nano na nananatiling hindi kinikilala ngunit nakaaapekto sa pang araw-araw na buhay ng tao. Tinawag din sila ng Pangulo na Solopreneurs dahil nag-iisa silang nagtatrabaho at hindi sinusuportahan ng sino mang full time na empleyado.

Bagama’t kakaunti ang bilang ng mga kalahok sa Vendor Business School kumpara sa libo-libong vendor hawkers sa Quezon City, ang lokal na pamahalaan ay nakatuon sa sektor na ito na binuo ng malaking bahagi ng mga paksa sa loob ng anim na buwan upang magsilbing pundasyon para sa malakas na kultura ng negosyo na isinama pa ang adaptation sa pagbabago ng klima.

45

Related posts

Leave a Comment