Nilinaw ni business tycoon Ramon Ang na wala siyang relasyon kay Julia Barretto.
Lumutang kasi ang ngalan ni Ang, na isa sa Forbes Magazine richest Filipinos, sa ilang print at social media matapos ang umiinit na awayan ng mga Barretto.
Maaalalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa ang umawat sa awayan ng mga naggagandahang mga Barretto sa mismong lamay ng ama ng Barretto sisters.
Kanya-kanyang kampihan ang mga Barretto ngunit habang lumalala ang awayan ay nabubulgar ang mga pangalan ng mga naging karelasyon nila.
Nag-ugat din ang awayan ng mga Barretto sa agawan ng kani-kanilang mga ‘papables’. Isa sa mga sikat na sikat ngayon ay si gambing lord Atong Ang na lumalabas umano na nali-link sa mga Barretto.
Lumabas naman ang pangalan ni Recom Echiverri na dati rin umanong nakarelasyon ni Marjorie Barretto at sila nga’y nagkaanak ng isa. Maaalalang naging konsehal si Marjorie noong panahong alkalde pa si Recom ng Caloocan.
Samantala si Gretchen Barretto naman ay lumalabas na inagaw si Atong Ang mula kay Nicole Barretto na anak ng kuya nina Marjorie, Gretchen at Claudine.
Si Julia naman na na-link o nai-link kay Ramon Ang ay anak ni Marjorie. Todo tanggi si Ramon Ang na nagsabing kasing-edad lamang ng apo niya si Julia at hindi pa nga raw niya nakikilala nang personal. (For the Flag / ED CORDEVILLA)
128