AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS
ANO nga ba ang responsibilidad? Ang responsibilidad ay ang pananagutan o akontabilidad sa konteksto ng etika at pamamahala.
Ito ay itinuturing bilang pananagutan, pagtanggap ng kasalanan, isang responsibilidad kung saan ang isang tao ay inaasahang magbibigay ng paliwanag sa mga taong nasasakupan niya.
Tulad halimbawa sa isang kumpanya, kung ikaw ang nagmamay-ari ng kumpanya ay responsibilidad mong pangalagaan ang kapakanan ng inyong mga tauhan.
Responsibilidad mo rin silang bigyan ng tamang benepisyo tulad ng tamang sweldo, allowances na itinatadhana ng batas, medical at iba pa.
Responsibilidad mo rin bilang amo, ang kaligtasan ng inyong mga tauhan sa oras na nagtatrabaho sila sa inyong kumpanya sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit o uniporme habang nasa trabaho sila.
Ganoon din sa mga tanggapan ng gobyerno man o pribado, kung tayo ay isang opisyal ay responsibilidad natin ang mga nasa ilalim ng ating pamumuno.
Kailangang ang kapakanan ng ating mga tauhan ang lagi natin isasaalang-alang, kaya tayo binigyan ng katungkulan dahil alam ang ating kakayanan na protektahan ang mga nasa ilalim natin.
Maging sa ating pamilya, responsibilidad natin ang kapakanan ng ating mga anak, asawa at mga ari-arian.
Bilang mga magulang, lalo na ang ama, ay responsibilidad natin na bigyan ng tamang edukasyon ang ating mga anak, at maayos na buhay ang ating pamilya.
Responsabilidad din natin bilang ama ang proteksyon ng ating pamilya, maging nasa bahay man sila o nasa labas.
Maging ang pangulo ng isang bansa, tulad ni President Bongbong Marcos, ay responsibilidad niya ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Kailangang gumawa siya ng mga hakbang para sa kabutihan ng kanyang mamamayan.
Hindi rin niya hahayaan na abusuhin ang mga ordinaryong mamamayan ng kanyang mga awtoridad.
Bilang responsibilidad, titiyakin din ni Pangulong BBM na ang mga Pilipino ay madadala sa mga pagamutan sa tuwing magkakasakit sila.
Bilang isang ordinaryong mamamayan ay responsibilidad natin na sumunod sa batas ng gobyerno para sa kapakanan natin lahat.
Dahil kapag ang mga Pilipino ay iresponsable ay walang mangyayaring mabuti sa ating pamilya, at maging sa ating bansa.
“With great power comes great responsibility”!
oOo
Binabati pala natin ang ating mga kaibigan na mga bagong promote, na sina PLT. Ma. Gracia Ebdane Balderas, bilang PNCO IC Investigation Section, Bignay Police Sub-station 7, na nalipat sa SCAS; PLT. Lorena Absolor Hernandez, sub-station 1, na nalipat bilang Deputy Commander, Bignay Police Sub-station (SS 7); PCMS Michael Saul Ramos, PCMS Loraida Toyongan, PSSg. Marlon Magno, PSSg. Rene Boy Peque, at PCPL Dennis Ocampo, pawang ng Valenzuela City Police Station.
276