‘SCAM’ ANG 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

ANG EDSA People Power Revolution, makaraan ang 36 taon ay tila nagising na ang sambayanang Filipino na ito’y isang malaking pagkakamali na nangyari sa bansa.

Nagsimula ang makasaysayang rebolusyon noong February 22,
1986 nang nagpahayag ng pagtalikod sa administrasyong Marcos sina Juan Ponce Enrile na noo’y Defense Minister at Vice-Chief of Staff Gen. Fidel V. Ramos, at pinangunahan ng dalawa ang Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Nag-umpisang maglabasan ang mga tao sa kanilang tahanan matapos na manawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na umere sa Radyo Veritas, na suportahan ang pag-aaklas, hanggang kinabukasan, February 23, ay nagsilbing human shield ng RAM ang mga sibilyan at mga madre na nagsagawa ng misa sa harap ng tangke de giyera ng pamahalaan na anumang oras ay nakahandang lumusob sa Camp Aguinaldo kung ipag-uutos ng Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Umere sa telebisyon si Marcos na pilit na kinukumbinsi ni AFP Chief of Staff Gen. Fabian Ver na magpalabas na ng kautusan upang lusubin ang mga nagrebelde sa loob ng kampo ngunit naging mapayapa hanggang sa huli dahil hindi pumayag si Marcos na may masaktan mula sa mga sibilyan.

Hanggang sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa matapos na matalo si Cory sa snap elections ay sumumpa pa rin ito sa Club Filipino at si Marcos sa Malacañang, hanggang sa napilitan na ang ­dating Pangulo kasama ng kanyang pamilya na umalis at inilikas ng US Air Force patungong Hawaii.

Hanggang sa naagaw na ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pamamahala sa bansa at umasa ang sambayanan sa kanyang mga pangako na ito’y kakampi ng mga maralitang Pilipino. Bago pa man ang unang taon ng EDSA Revolution, January 22, 1987 nagsagawa ang mga maralitang magsasaka ng rally sa harap ng Malacañang sa pangunguna ni Jaime Tadeo, ang lider ng “Kilusang Magbubukid ng Pilipinas” upang ipaalala sa anak ng haciendero na si Cory, ang ipinangako nitong repormang agraryo ngunit imbes na boses mula sa Palasyo ay sinagot ang mga magsasaka ng putok ng mga baril mula sa mga awtoridad at dito nangyari ang Black Thursday o “Mendiola massacre” ikinasawi ng 13 at ikinasugat ng 74.

Hindi pa man nakababangon ang Aquino administration sa nangyaring massacre sa mga magsasaka ay muling binulabog ang pamahalaan ng coup d’etat mula sa dating RAM, na siyang naging susi upang magkaroon ng kapangyarihan si Cory na mula 1986-1987, umabot ito sa 6 na pagtatangka upang mapatalsik sa puwesto, sa pangunguna ni Col. Gringo Honasan at noong August 28,1987 ay halos magtagumpay ang mga ito na mapabagsak ang kapangyarihan ni Aquino kung hindi ­humingi ng saklolo ang pamahalaan sa America na nagpadala ng kanilang fighter jets dahil sa malakas na puwersa ng mga nag-aklas na sundalo, nakuha nila ang ilang eroplanong pandigma ang “tora-tora ” na lumipad sa ere at ilang bahagi ng Camp Aguinaldo, Villamor Airbase, PTV 4 at ilang military camp sa Pampanga, Cebu at Legaspi airport.

Kung naging mapayapa ang EDSA dahil hindi pinayagan ni Marcos na dumanak ang dugo ay taliwas ito sa nangyari sa administrasyong Aquino na may 53 nasawi at 200 sugatan kabilang na rito si Noynoy Aquino na tinamaan ng bala nang makasagupa nito ang mga rebeldeng sundalo sa labas ng Malacañang.

Hindi pa man nakakuha ng katarungan ang mga magsasakang nasawi sa Mendiola massacre ay muling naulit ito sa pamahalaan ni Noynoy Aquino noong November 16, 2004 kung saan nasawi ang 7 magsasaka at ikinasugat ng 121 dahil sa pakikipaglaban nila sa ­Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco.

Kung ang Martial Law at EDSA People Power Revolution na isang propaganda upang malason ang isipan ng sambayanang Pilipino na pinaniwala na masama ang mga Marcos, ay hindi na nakapagtataka dahil kung politically biased ang mga professor na nagturo sa political appointees ay magiging bias din ang produkto.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

293

Related posts

Leave a Comment