SEN. LACSON, TINAWAG NA TANGA AT DEMONYO NG KAPATID NI SECRETARY DUQUE!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Mukhang palaban ang magkapatid na Atty. Gonzalo Duque at Health Secretary Francisco Duque III kung saan pumalag ang mga ito sa batikos ni Senador Panfilo “Ping” Lacson at hinamon pa ng kalihim ang mambabatas na gawin nito ang kanyang gustong gawin kung kaya’t nag-imbestiga ang senador at natuklasan nito na nagmamay-ari pala ng building ang kalihim sa lalawigan ng Pangasinan na inuupahan  ng regional office ng PhilHealth.

Ang sinasabing gusali na pag-aari ni Secretary Duque ay matatagpuan sa Tapuac, district sa Dagupan City at umuupa umano ang PhilHealth kada buwan ng P530,000 na hindi nagustuhan ng senador dahil maituturing na conflict of interest. “If this is not conflict of interest, I don’t know what is,” pahayag ni Lacson.

“Building mo, naka-contract of lease ka, and that’s a family corporation, tapos you’re a member of the board,” dagdag pa nito.

“Because ang talagang nakakainis sa isang opisyal ng gobyerno, alam mo na ngang mali ka na nag-iipokrito ka pa.”

Binanggit pa ng senador na pinaalalahanan nito si Pangulong Duterte na si Secretary Duque ay nasangkot sa ‘di umano’y i­legal na paggamit ng pondo ng OWWA para sa pagbili ng PhilHealth cards na ipinamigay sa buong bansa noong panahon ni PGMA.

Dahil sa exposé ni Lacson, hinamon ito ng kapatid ni Atty. Duque na magsampa umano ng demanda ang mambabatas laban sa kanilang pamilya kaugnay sa kanyang paratang o aligasyon.

Ipinaliwanag ni Atty. Gonzalo na inosente sila sa paratang at ang kanilang gusali umano ay nagsimula ang lease agreement sa PhilHealth 20 taon na hanggang ngayon.

Tinawag din na demon­yo at tanga ni Gonzalo ang mambabatas.

Well, kung ako ang tatanungin, maliwanag pa sa sikat ng araw na may conflict of interest ang ginawa ni Secretary Duque dahil bilang isang opisyal ng gobyerno ay hindi dapat siya pumayag na magrenta ang PhilHealth sa kanilang building na pag-aari ng kanyang pamilya at siya ay board of director.

Hindi pa nga nasasagot ni Duque iyong pondo ng OWWA na P530 milyon na ipinambili ng health cards na sinasabing kuwestiyonable ang paggamit ng nasabing pondo.

oOo

Sa sinumang nais mag­reklamo o kaya’y magbibigay ng impormasyon patungkol sa mga katiwalian ay maaari ninyo akong makontak sa cellphone number 0917-1628411 (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

118

Related posts

Leave a Comment