SUPREME COURT NAGBUKAS NG SUMBUNGAN PARA SA SAMBAYANANG FILIPINO

PRO HAC VICE

‘YAN mismo ang nais na ipaabot ng Chief Justice (CJ) Diosdado Peralta ng Korte Suprema (KS) sa sambayanang Filipino.

Nais ni CJ Peralta na mismong ang publiko ang magpaabot sa kanya ng mga pag-abusong nalalaman nila laban sa mga miyembro ng Judiciary.

Nakabibilib naman ang naturang programa ng punong mahistrado.

Ang nakatutuwa pa nito, tiniyak ni Chief Justice Peralta na kapag mayroong pormal na reklamo na isinampa sa Judiciary Public Assistance Section o (JPAS) ay kailangang ito’y matugunan sa loob ng 15 araw.

Ang JPAS ay mayroong tatlong unit.

Ang Help Desk Unit ay makikita sa ground floor ng Supreme Court (SC) Centennial Building sa Padre Faura St. Ermita, Maynila, habang ang Hotline at Email Messaging Units ay sa mismong tanggapan ni CJ Peralta.

Kaya sa ating mga kababayan, pagkakataon na ninyo na magsumbong kung may nalalaman kayong mga pag-abuso sa mga miyembro ng Hudikatura.

Ito ang hotline ng JPAS, 0285266185, 0285529644 at 0285529646. Habang mayroon ding email address, gaya ng chiefjusticehelpdesk@sc.judiciary.gov.ph.

Nitong Lunes lamang, sa pangunguna ni CJ Peralta, ay pormal nang inilunsad ng KS ang JPAS na nasa ilalim mismo ng pamamahala ng Office of the Chief Justice, na layong ilapit sa publiko ang Hudikatura.

Samantala, pinayagan na po ng SC ang Live Media Coverage sa promulgation o pagbaba ng hatol ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mga akusado ng Maguindanao massacre case na gagawin sa December 19, ganap na alas-9:00 ng umaga.

oOo

KASAKIMAN NG WATER CONCESSIONAIRES TATAGPASIN NG OSG

Hindi papayagan ng office of the Solicitor General (SG) na manaig ang kasakiman ng water concessionaires nang hindi lumalaban.

Inihayag kamakailan ni SG Jose Calida na ang naging desisyon ng Arbitration Court sa Singapore na pagbabayarin ang gobyerno ng Pilipinas ng bilyun-bilyong pisong danyos sa Manila Water at Maynilad dahil sa sinasabing procedural lapse. Ang anumang probisyon sa isang kontrata na taliwas sa mga batas at polisiya ng gobyerno ay hindi maaaring magkabisa.

Nagbanta pa ang OSG na ipapakita nila sa kanilang mga susunod na hakbang na ang arbitral award sa Manila Water ay hindi dahil sa sinasabing procedural lapse kundi dahil sa pagtanggi ng kompanya na magpasailalim sa lehitimong regulasyon ng gobyerno. At gagawin ng OSG ang lahat ng legal na remedyo para protektahan at depensahan ang interes ng gobyerno at publiko.

Hayan, sobrang kasakiman kasi ang ipinaiiral ninyo, kaya hayan, nakakuha kayo ng katapat. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

162

Related posts

Leave a Comment