TEMPORARY BAILEY BRIDGE SA BAYAMBANG, NAITAYO NG DPWH SA LOOB NG 17 ARAW

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MABILIS na kumilos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos bumagsak ang Carlos P. Romulo Bridge sa ­Bayambang, Pangasinan dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Aba’y sa pangunguna ni Regional Director Engr. Ronnel Tan, sa loob lamang ng 17 araw ay naitayo at maaari nang daanan ng light vehicles ang ginawang Temporary Bailey Bridge sa Barangay Wawa.

Kung matatandaan, sinabi ni Tan na overloading ang naging sanhi ng pagbagsak ng Wawa Bridge.

Sinasabi na upang maiwasan at hindi na ito maulit ay kailangan din daw na makausap ang Department of Transportation (DOTr), lokal na pamahalaan, at Land Transportation Office (LTO).

Ito’y dahil nasa kanila ang implementasyon at police power para ­dumakip sa mga lumalabag sa overloading policy.

Siyempre, alam naman ng marami na patuloy ang ginagawang pag-arangkada ng DPWH Region 1 sa pangunguna ni RD Tan, upang maisaayos ang mga daanan para sa ligtas na paglalakbay ng mga ­biyahero.

Ganyan kasipag si RD Tan.

Hindi na ako magtataka kung sa susunod na mga araw ay ­makatatanggap muli ng parangal ang kanilang hanay dahil sa kanilang husay at dedikasyon sa trabaho.

Sa lalawigan naman ng Quezon, tuloy-tuloy ang serbisyo-publiko ni Gov. Helen Tan, misis ni RD Tan, kung saan tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ang iba’t ibang sektor.

“Pagsasama-samahan natin na unti-unting maiangat ang antas ng kabuhayan ng ating mga mangingisda dito sa Quezon. Upang maabot natin ito, mahalagang magampanan ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Dapat konektado tayo mula sa samahan patungo sa barangay, munisipalidad, distrito, hanggang sa ating pamahalaang panlalawigan at maging sa national government,” wika ni Gov. Tan sa isang social media post.

“Una tayong nakapagsagawa ng ganitong summit noong tayo ay nahalal na kinatawan ng 4th District at ngayon bilang Ina ng Lalawigan ay isinagawa natin ang Quezon Provincial Fishery Summit 2022 para sa layuning sama-sama nating marinig at maaksyunan ang hinaing at pangangailangan ng ating mga kalalawigang mangingisda.”

Labis naman ang pasasalamat ni Gov. Tan sa lahat ng kanilang ­partner agencies na nagpaunlak at tumugon sa kanyang panawagan.

“Nagpapasalamat tayo kina BFAR Regional Director Sammy ­Malvas, at MIA Regional Director Engr. Rizal Victoria. Ganoon din sa ­ating mga municipal mayor kasama ang kanilang mga konsehal at lalo’t higit sa ating mga mangingisdang isa rin sa itinuturing nating bayani dahil sa kanilang hindi matatawarang ambag sa ating lipunan,” dagdag pa ng energetic na gobernadora.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

27

Related posts

Leave a Comment