“TRABAHO LANG TAYO, PAT” – SEC. ERWIN TULFO NG DSWD

RAPIDO Ni PATRICK TULFO

MADAMI po akong natatanggap na mensahe mula sa mga tagasuporta at kaibigan na pinupuri ang ipinapakitang kasipagan ng aking tiyuhin na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Sabi pa nga ng isang kaibigan, “Si Uncle Erwin mo ang pinakamasipag na miyembro ng gabinete ni PBBM”.

Pero knowing Uncle Erwin, kapag sinabi ko ito sa kanya siguradong ang isasagot nito sa akin ay: “TRABAHO LANG TAYO, PAT”.

Naalala ko tuloy ang sagot nito sa aking tanong ukol sa mga banat ng ilang kritiko na kumukuwestiyon sa kanyang pagkakatalaga bilang kalihim ng DSWD, sinabi nito na kung hindi niya magagampanan nang maayos ang kanyang trabaho bilang kalihim sa loob ng tatlong buwan ay siya na mismo ang magbibitiw at babalik na lang sa pagiging mamamahayag.

Tinupad din nito ang kanyang sinabi na agad na makikita ang DSWD sa panahon ng kalamidad at sakuna matapos na tamaan ng matinding pagbaha ang ilang mga lugar sa Benguet dahil sa malalakas na mga ulan at ang mga lalawigan na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra kamakailan lamang.

Isa rin sa unang pinagtuunan ng DSWD secretary ang paglilinis ng listahan ng mga tumatanggap ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) dahil isa ito sa mga utos sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang siya ay iupo bilang kalihim.

Agad na isinuko ng mahigit sa 40,000 pamilya na hindi na kwalipikadong tumanggap ng ayuda mula sa DSWD, ang kanilang 4Ps card.

Nagbabala naman ang kalihim sa iba pa na sumunod na rin dahil pasasaan ba at malalaman din nila kung sinu-sino ang mga ito. Bukod sa mga pamilyang kumikita na nang sapat, kasama rin sa listahan ng pwedeng matanggal sa 4Ps ang mapatutunayang ginagamit sa sugal ang perang natatanggap.

Nasampolan din ang ilang kawani ng ahensya na hindi marunong makiharap sa mga lumalapit sa ahensiya na pinatawan ng suspension o inilipat ng pwesto. Sabi ni Sec. Erwin Tulfo, dapat na magalang at magiliw ang mga empleyado ng DSWD sa mga humihingi ng tulong sa ahensya.

Kamakailan lamang may inilapit kaming isang tatlong taong gulang na batang babae na mayroong Wilms tumor o cancer sa kidney na nangangailangan ng chemotherapy. Ito ay agarang binigyan pansin ng DSWD sa pamamagitan ni Usec. Sally Navarro at binigyan ng guarantee letter upang agarang maipagamot ang bata.

Maraming maraming salamat po Sec. Erwin Tulfo.

249

Related posts

Leave a Comment