OUTDOOR CAROLING APRUB SA DILG

MAAARING pahintulutan ang pangangaroling sa National Capital Region (NCR) ngayong ibinaba na ito sa Alert Level 2.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), wala silang nakikitang problema hinggil dito.

Nauna nang sinabi ng ahensya na mas magiging masaya ang holiday season para sa mga residente ng NCR ngayong pinayagan na ang outdoor caroling.

Sabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, kagaya rin ito ng videoke bars na pinayagan na ulit mag-operate sa ilalim ng Alert Level 2, bagama’t sa 50% capacity lamang muna at para sa mga parokyanong fully vaccinated.

Katwiran pa ni Malaya, hindi naman nakasaad sa regulasyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal ang pangangaroling sa ilalim ng Alert Level 2.

Noong nakaraang taon, kabilang ang pangangaroling sa mga ipinagbawal para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

316

Related posts

Leave a Comment