DAPAT busisiin ng Congressional Oversight Committee ang isyu hinggil sa overpriced na Personal Protection Equipment (PPE) para sa mga frontliner na binili ng Department of Health (DOH).
Una nang kinuwestyon ni Senador Grace Poe kung bakit P1,800 ang bawat set ng PPE na binili ng DOH gayung nasa P400 hanggang P1,000 lamang ang market price nito.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, dapat malaman ang katotohanan sa mga alegasyon dahil sa mga panahon aniya ng krisis ay mahalaga ang bawat sentimong matitipid ng gobyerno.
“A little penny pinching of the government still goes a long way to stretch our budget and help provide for all our people, especially those in the frontlines and
the most vulnerable like the no work, no pay sector,” saad ni Villanueva.
Binigyang-diin naman ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kung mapatutunayan ang alegasyon ay hindi ito kailanman mapapatawad ng sambayanan.
Kinumpirma rin ni Lacson na inatasan na ni Senate President Tito Sotto si Poe na isama sa kanyang rekomendasyon kaugnay sa report ng ehekutibo sa implementasyon ng
Bayanihan, We heal as one Act ang kanyang mga alegasyon. (Dang Samson-Garcia)
205 