CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang mahigit sa P.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Nino”, 33, isang tricycle driver, ng Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Bacoor Component City Police Station (CCPS) sa Brgy. Panapaan 1, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 2,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at marijuana fruiting tops na may standard street value na P240,000.
(SIGFRED ADSUARA)
