Sa barilan sa Maragondon, Cavite DISMISSAL PROCEEDING LABAN SA PULIS SINIMULAN

UMARANGKADA na ang dismissal proceeding laban sa isang pulis na sangkot sa pamamaril sa isang resort sa Maragondon, Cavite makaraang ipag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr.

Matatandaan, isang pulis na nakatalaga sa Magallanes MPS station, at isang sibilyan ang nasawi habang sugatan naman ang isa pang pulis na nakatalaga sa Ternate MPS, dahil sa insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng suspek na isa ring pulis.

Dahil sa nangyaring insidente, iniutos ni Nartatez sa Cavite Police Provincial Office na magsasagawa ng masusi at walang kinikilingang imbestigasyon at pangangalaga sa lahat na mga ebidensya.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa paggabay ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na palakasin ang disiplina, pananagutan, at propesyonalismo sa hanay ng pulisya.

“Law enforcers carry the heavy burden of public trust, and throwing caution to the wind through reckless behavior and alcohol abuse is completely unacceptable. Those sworn to protect lives chose instead to endanger them in a senseless, drunken altercation,” ani PGen. Nartatez.

Agad na inalis sa puwesto ang hepe ng Maragondon Police Station at inilagay sa ilalim ng Cavite Police Holding and Administrative Support (PHAS) habang isinasagawa ang imbestigasyon.

(TOTO NABAJA)

51

Related posts

Leave a Comment