P1.7-M DROGA BISTADO SA NAIA

ANG inakalang antik na teleponong ibiniyahe pa mula sa bansang Pransya, may nakakubli palang droga.

Sa kalatas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kumpiskado ang nasa 255 gramo ng shabu na itinago sa lumang teleponong laman ng bagahe mula sa Pransya.

Pagtataya ng PDEA, aabot sa P1.7 milyon ang drogang pinadala ng isang Bleu Griotte ng Les Lyon (France) para sa consignee na kinilala sa pangalang Angeline Claire Nacua ng Makati City.

Ayon naman sa Bureau of Customs (BOC) nadiskubre ang kontrabandong nakalagak sa bodega sa loob ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) matapos isalang sa pagsusuri gamit ang x-ray scanner at makabagong trace detector ng kawanihan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PDEA. (FROILAN MORALLOS)

207

Related posts

Leave a Comment