P1-M DROGA NASABAT SA LAGUNA

LAGUNA – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Lumban sa lalawigan dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Huwebes.

Arestado sa operasyon ang suspek na si alyas “Axcel”, itinuturing na isang high value individual (HVI) sa operasyon ng droga sa rehiyon.

Ayon sa Lumban Municipal Police Station, isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Lumban Drug Enforcement Team, katuwang ang PDEA.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 150 gramo at tinatayang may standard drug price na P1,020,000.

Nakakulong na ang suspek na sasampahang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

85

Related posts

Leave a Comment