P10-K ALLOWANCE NG GURO PASADO NA SA SENADO

MAGANDANG balita para sa mga public school teacher sa buong bansa.

Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang dagdag allowance ng mahigpit sa 800,000 public school teachers.

Sa botong 22 affirmative at walang tumutol ay lumusot na ang Senate Bill No. 1092, o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2020 na ipinanukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at ang SBN 75 ni Senador Ramon Revilla Jr. at SBN 957 ni Senador Sonny Angara.

Sa ilalim ng nasabing mga panukalang batas, ang bawat classroom teacher ay makatatanggap ng P5,000 para sa school years 2021 – 2022 at 2022-2023.

At sa school year 2023-2024 ay magiging P7,500 at sa 2024-2025 ay magiging P10,000 na ito.

Sa kasalukuyan, ang mga public school teacher ay nakatatanggap lamang ng P3,500 kada taon o katumbas ng P16 kada araw.

Umaasa si Revilla na susuportahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala na makatutulong nang malaki sa mga public school teacher. (NOEL ABUEL)

211

Related posts

Leave a Comment