P105.5-M PUSLIT NA YOSI NASAMSAM SA BATAAN

BATAAN – Tinatayang mahigit P105 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang compound sa Brgy. Santa Isabel, Dinalupihan sa lalawigan noong Enero 9.

Ayon sa BOC, kargado ng humigit-kumulang 1,030 Master cases ng sigarilyo ang 12 sasakyan sa loob ng compound na may tatak na Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy at President.

Ayon sa paunang imbestigasyon, mula umano sa China, Vietnam at Korea ang mga produkto at planong ipakalat sa Regions II at III.

Binigyang-diin ni Nepomuceno na patuloy ang mahigpit na kampanya ng BOC laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng gobyerno.

(JOCELYN DOMENDEN)

3

Related posts

Leave a Comment