TUYO VENDOR SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA ‘RIGHT OF WAY’

LUCENA CITY – Isinugod sa ospital ang isang 39-anyos na tindera ng tuyo matapos pagsasaksakin ng kapitbahay sa loob ng Dalahican Fish Port Complex sa Barangay Dalahican sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Lucena City Police, tinamaan ng mga saksak ang biktima sa balikat, braso, leeg, mukha, ulo at kanang bahagi ng tiyan.

Batay sa paunang imbestigasyon, hinintay umano ng suspek ang biktima sa loob ng fish port at walang habas itong inundayan ng saksak habang nakaupo katabi ang ilang mga trabahador sa pantalan.

Lumabas sa pagsisiyasat na ang motibo sa krimen ay alitan sa lupa na may kinalaman sa ‘right of way’ sa kanilang lugar sa Purok Bangkusay 2, Brgy. Dalahican.

Agad dinala ang biktima sa ospital sa Lucena City kung saan siya ay kasalukuyang nasa stable nang kondisyon.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

31

Related posts

Leave a Comment