P10K AYUDA BILL PINAAAPURA

MULING nanawagan si Taguig City Congressman Allan Peter Cayetano at ang mga miyembro ng powerful BTS Balik sa Tao ang Serbisyo sa kasalukuyang liderato ng mababang kapulungan na bilisan ang pagpasa sa kanilang inihaing panukala na magbigay ng P10k ayuda sa mahihirap na pamilya.

Ayon sa dating pinuno ng Kamara, nakahanda ang kanilang grupo na tanggalin ang kanilang pangalan sa inihaing bill at hayaang i-adopt na ng House leadership upang sila na ang makipag-usap sa MalacaΓ±ang dahil ang importante ay maihatid ang P10k sa bawat pamilyang Pilipino.

Bukod kay Cayetano, ang kanyang maybahay na si Taguig Rep. Lani Cayetano at mga kaalyadong sina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte,

Batangas Rep. Ranie Abu, Laguna Rep. Dan Fernandez, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, inihain nila ang House Bill No. 8597 o P10K Ayuda Bill nitong Pebrero 1.

“Kung alam mong tama, dapat hundred percent ang ibigay mo. The Filipino people deserve the best. So, [itong 10K Ayuda Bill ay] alam naming tama para sa ating ekonomiya, tama for small businesses, at tama sa lahat ng naghihirap na Pilipino at kayang magbigay ng gobyerno ng 10K,” pahayag ni Cayetano.

“Kaya nga namin itinutulak itong P10,000 para habang wala pang pulitika [ay maging] para ito sa lahat. Ginawa ng lahat ng politiko, sama-sama. Pera naman ng bayan ‘yan,” dagdag pa ng mambabatas.

Kaugnay nito, namahagi ang BTS ng tig-P10K sa sampung mahihirap na pamilya sa 1st District ng Lungsod Quezon habang 200 Barangay Health Workers ang tumanggap din ng donasyon mula sa grupo. (CESAR BARQUILLA)

164

Related posts

Leave a Comment