P13.6-M SHABU NASABAT SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE

NASA dalawang kilo ng crystal meth o shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang hinihinalang mga bigtime drug dealer sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Quezon Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, bandang alas-9:00 ng gabi, naglunsad ng buy-bust operation ang PDEA Intelligence Service katuwang ang PDEA Regional Office–NCR at PNP-Drug Enforcement Group NCR.

Dito na nasamsam ng mga awtoridad mula sa dalawang drug suspects ang dalawang kilo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may standard drug value na aabot sa P13,600,000.00.

Bukod sa droga, kinumpiska rin ang ilang non-drug items kabilang ang isang pulang Toyota Vios at dalawang Android cellular phones, na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal drug transactions.

Kabilang sa mga inaresto sina alias “JP”, 44-anyos, ng Sta. Ana, Manila; at “Kimmy”, 22-taong gulang ng Riverside, San Jose.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, kaugnay sa Section 26 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Isinumite sa PDEA Laboratory Service ang nasamsam na droga para sumailalim sa qualitative and quantitative examination.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, “This successful operation underscores the government’s unwavering commitment to protect communities and dismantle illegal drug networks as part of the whole-of-nation approach under Bagong Pilipinas”.

(JESSE RUIZ)

4

Related posts

Leave a Comment