BULACAN – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lalawigang ito.
Ayon sa report ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting director of Bulacan Police Provincial Office (PPO) kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director BGen. Matthew Baccay, ang nasabing operasyon ay isinagawa mula Hulyo 11 hanggang 17, 2022.
Ayon kay Cabradilla, 109 na suspek ang nadakip sa serye ng anti-drug bust na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bulacan PNP.
Nasamsam umano sa mga suspek ang 300 sachets ng shabu, 26 sachets ng dried marijuana leaves na umaabot sa halagang P2,081,533.60, assorted drug paraphernalia at buy-bust money.
Samantala, 4 naman ang nadakip sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant operations habang 99 katao na wanted na kinabibilangan ng 9 most wanted persons (MWP) ang naaresto ng tracker teams.
Umabot naman sa 106 illegal gamblers ang inaresto sa iba’t ibang anti-illegal gambling operations. (ELOISA SILVERIO)
