P20 ROLLBACK SA DIESEL MARARAMDAMAN NGAYON

MAGKAKAROON ng malaking rollback sa presyo ng langis simula ngayong Martes, Abril 14, 2026, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na aabot sa mahigit P20 kada litro ang ibababa sa diesel.

Ang gasolina naman ay may bawas na P4.43 kada litro, habang P8.50 kada litro ang rollback sa kerosene.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na malaking ginhawa ito sa mga driver, commuter, at pamilyang Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng krudo.

“Hindi pa ito sapat,” ayon sa Pangulo, sabay giit na tuloy-tuloy ang hakbang ng pamahalaan para maibsan ang gastusin sa biyahe, pagkain, at pamumuhay.

Dagdag pa niya, may mga susunod pang anunsyo ang gobyerno para sa karagdagang tulong sa mga Pilipino.

(CHRISTIAN DALE)

57

Related posts

Leave a Comment