P200-B ILALAAN SA 18M ‘JOBLESS’

PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng 18 milyong informal workers dahil tutulungan sila ng gobyerno lalo pa’t nasa ilalim ngayon ng enhanced community quarantine ang
buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019.

Inaprubahan na kasi ng Kongreso ang special authority para makakilos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagharap sa problema sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, 275 billion pesos ang pondong pinayagan ng Kongreso na magamit sa panahon ng COVID crisis.

Ang P200 billion dito aniya ay gagamitin para tustusan ang pangangailangan ng 18 milyong informal workers na nawalan ng trabaho sa panahon ng enchanced community
quarantine.

Habang ang natirang P75 billion pesos ay para naman sa health workers at pagbili ng mga kagamitang gagamitin sa paglaban sa COVID-19.

Subalit, nilinaw ni Sec. Panelo na hindi cash ang ibibigay sa informal workers

kundi sapat na pagkain hanggang sa matapos ang krisis sa COVID-19. CHRISTIAN DALE

173

Related posts

Leave a Comment