P252-B FLOOD CONTROL BURADO SA 2026 BUDGET

KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang binawas sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 — halos 30% ang kaltas matapos burahin ang pondo para sa flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa P881.3 bilyon, ibinaba ng DPWH ang kanilang budget proposal sa P625.8 bilyon. Tinanggal ang P252 bilyong locally funded flood control projects na inulan ng batikos dahil sa sari-saring iregularidad.

Imbes na flood control, hiniling ng DPWH na i-reallocate ang P252 bilyon sa mas direktang pakikinabangan ng publiko gaya ng agrikultura, edukasyon, healthcare, pabahay, social welfare, labor, at information technology.

Muling iginiit ng Palasyo na seryoso ang administrasyon sa accountability laban sa mga sangkot sa anomalya. Sa ilalim ng Executive Order No. 94 na nilagdaan ni Marcos noong Setyembre 11, itinatag ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para busisiin at kasuhan ang mga opisyal at pribadong indibidwal na nagnakaw sa pondo ng flood control projects sa loob ng huling 10 taon.

“Hindi pwedeng ipagpatuloy ang ganitong sistema. Lahat ng sangkot, mananagot,” diin ni Castro.

(CHRISTIAN DALE)

47

Related posts

Leave a Comment