(NI JULIE DUIGAN)
LAGLAG sa isang entrapment operation ang dalawang suspek na umano’y namemeke ng account ng isang investment company mula sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Paranaque City .
Ang dalawang suspek umano ay namemeke ng account ng isang investment company upang ma-encash ang P3.4-B na halaga ng mga ari-arian.
Kahapon, iniharap sa media ni NBI NCR Regional Directoe Cesar Bacani ang mga suspek na sina Jose Pabustan alyas Joey Peralta at Maria Fe Cruz alyas Flor Adoptante.
Ang pagdakip ay bunsod na rin sa inihaing reklamo ng Opal Investment Inc., matapos gamitin ng mga ito ang pangalan ng kompanya,
Pineke ang lahat ng dokumento, maging ang sertipikasyon ng Securities and Exchange Commission na magpapatunay na sila ang may ari ng kompanya ,upang maibenta ang dalawang ektaryang lupain sa Parañaque City na nagkakahalaga ng P3.41-B ngunit naibenta na lamang sa halagang P341-M. Sabi ni Bacani, naibenta ng mga suspek ang lupain sa Excelsior Properties Inc. gamit ang pekeng dokumento ng nasabing investment company.
Nakapagbukas pa ng account sa East West Bank sa Gil Puyat Branch ang mga suspek gamit ang pekeng account ng Opal. Nang mapondohan na at na-clear ng banko ang halagang P341 milyon mula sa 10 percent na earnest money ng buyer ay tinangka ng widrohin ng mga suspek noong February 28, 2019. Naging maagap naman ang bank manager na si Jaime Heraldez at itinawag sa tunay na may-ari ng kompanya .
Sa pagwi-withdraw na sana ng mga tseke ng mga suspek sa nasabi ding araw ay dito na ibinunyag ng may-ari ng Opal na hindi sila nagbebenta ng property at wala rin silang binubuksang account sa nasabing banko.
Dahil dito nagpasaklolo sa NBI ang may ari ng investment company, at sa entrapment operation, nahuli sa akto ang mga suspek habang winiwithdarw na ang P20 milyong managers check at 300,000 cash.
Ipinapangalan din ng mga suspek sa kanilang mga kakunstaba ang ibang bahagi ng kabuuang P341 milyon earnest money sa mga sumusunod: Dearborn Motors; Chi Min Wong; Herman Artiliaga; Agnes Esguerra; Mario Go at Efren Caran. Kinasuhan na ng syndicated estafa at money laundering ang dalawang suspek.
184