(NI NOEL ABUEL)
UMAAPELA si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa mga kapwa nito senador na madaliin ang pagpapalabas sa inisyal na P3 bilyon na pondo para magamit sa kompensasyon ng mga rice farmers na naapektuhan ng implementasyon ng Rice Tariffication Law.
“Our farmers have already lost billions of pesos. This cash compensation for the impacted rice farmers will ease their burden,” sabi ni Pangilinan.
Ginawa nito ang apela sa gitna ng plenary hearing sa hinihinging budget ng Department of Finance (DOF) at ng Department of Agriculture (DA) kung saan nanindigan si Pangilinan kay Finance Secretary Carlos Dominguez na suportahan ang Joint Resolution No. 2 na nag-aamiyenda sa Rice Tariffication Law at payagang ipakalat ang P15 bilyon na cash assistance sa mga rice farmers.
Sinabi ni Pangilinan na ang P15B ay kukunin sa e fund balance ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng unprogrammed appropriations ng 2019 national budget at sa nakolektang taripa mula sa rice importation.
“If it is supported by Malacañang, perhaps it can be certified as urgent, then we can pass it by last week of November,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Pangilinan na sang-ayon aniya ang DOF na ilabas ang P3B sa susunod na buwan at P3B sa Enero 2020 subalit kailangan munang maipasa ang 2020 national budget.
“Perhaps, the way forward is to pass a supplemental budget in the first two weeks of December,” aniya pa.
Ang nasabing pondo umano ay malaking tulong sa mga rice farmers para makabangon mula sa epekto ng Rice Tarrification Law kung saan dumadagsa ang mga murang imported na bigas.
149