P34-M PEKENG VAPE SINUNOG

Halos 160,000 pekeng vape products na nagkakahalaga ng mahigit P34 milyon, ang sinunog ng Bureau of Customs (BOC) sa Cavite City.

May kabuuang 159,830 piraso ng vape products na nagkakahalaga ng P34,112,500 ang nasabat sa isang pribadong pasilidad sa lalawigan noong Enero 17 at 20, ayon sa isang pahayag noong Biyernes.

“This condemnation underscores our commitment to protect public health and ensure compliance with our laws,” sabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Ginawa ang pagsira sa nasabing produkto kasunod ng pag-isyu ng warrant and seizure and detention sa paglabag sa Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), na ipinatutupad ng Department Administrative Order No. 22-16 ng Department of Trade and Industry at Section 1113 (f) na may kaugnayan sa Section 117 of the Customs Modernization and Tariff Act.

Ang pagsira sa mga pekeng produkto ay isinagawa sa koordinasyon sa Auction and Cargo Disposal Division, Enforcement and Security Service at Customs Intelligence and Investigation Service.

Sinabi ni Rubio, patuloy na titiyakin ng BOC ang kaligtasan at kagalingan ng mamamayang Pilipino laban sa mga ilegal at mapaminsalang kalakal, bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang pangangalaga sa kalusugan ng publiko at pambansang seguridad. (Jocelyn Domenden)

39

Related posts

Leave a Comment