SOCIAL PENSION NG MGA LOLO AT LOLA, ‘DI SAKLAW NG ELECTION SPENDING BAN

IKINATUWA ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang aksyon ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan ng exemption sa election spending ban ang social pension ng senior citizens.

Sinabi ni Ordanes na nagpapasalamat siya at nauunawaan ng Comelec ang sitwasyon ng mahihirap na senior citizen.

Ayon sa mambabatas, nakasanayan na ng mga benepisyaryo na sa buwan ng Abril at Mayo ay nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon.

“Ang social pension ay bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot at pagkain at pambayad sa kuryente at tubig,” sabi ni Ordanes.

Ang social pension ay para sa mga senior citizen na walang pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS) o Social Security System (SSS).

105

Related posts

Leave a Comment