P476K SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak na nasa listahan ng high value individual (HVI) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Datu Esmael Dasmarinas City, Cavite bandang alas-4:00 ng madalang araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jonaid”.

Nasamsam sa suspek ang humigit kumulang na 70 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P476,000.00 at buy-bust money.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment