(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO)
MULING nagsagawa ng magkakasunod na kilos-protesta ang mga consumers ng Meralco upang kondenahin ang kasalanan ng kumpanya sa hindi pagbabalik ng refund sa overcharging na pinataw nila sa singgil sa kuryente.
Pinangunahan ng Power for People (P4P) ang kilos-protesta sa mga sangay ng Meralco kasama ang civil society group at igniiit na dapat gamitin ang hindi pa naibabalik na refund ng Meralco upang mapababa ang presyo ng kuryente.
Sa desisyon ng Korte Suprema, lumabas na mayroong overcharged na ipinatong ang Meralco sa kanilang singil sa kuryente sa higit na tatlong milyong mga consumers sa maraming taon at pinasa nila sa mga customer ang kanilang income tax.
“It has been 17 years since the order to refund the P10.8 billion worth of overcharged payments was issued, and yet P4.41 billion of this amount still remains with MERALCO as of Semptember 2018,” saad ni Atty. Avril De Torres ng Center for Energy, Ecology and Development.
Bilang bahagi ng kanilang kampanya na “Malinis at Murang Kuryente” ang mga miyembro ng P4P, kasama ang iba’t ibang sektor, kabilang na ang mga consumers at tagapagtaguyod ng enerhiya ay nagsagawa na paglalagay ng abo sa kanilang mga noo noong ‘Ash Wednesday’ upang ipaalala ang kasalanan ng Meralco sa kanilang customers, komunidad at sa kapaligiran.
“This Ash Wednesday, many Filipinos are reflecting on their sins and seeking repentance for them and we want MERALCO to not only do the same, but make up for their transgressions through delivering clean, affordable electricity to their consumers.” Ayon kay Ian Rivera ng Philippine Movement for Climate Justice at Convenor ng P4P Coalition.
Base sa datus, tumaas ang kita ng Meralco mula 20.213 bilyon noong 2017 at umakyat ito ng 22.4 bilyon ngayon 2018 habang sa kasalukuyan mayroong pitong coal power supply agreements (PSAs) ang kumpanya na umaabot sa 3.5 GW ng coal nanatili na nakabinbin sa Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa patuloy na pagtutol ng mga consumers dito.
Ayon kay Atty De Torres, buwan ng Pebrero tumaas ng P0.5782 per kilowatt hour (kWh) ang singil ng Meralco kung saan ang mga kumukunsomo ng 200kwh ay may karadagang bayarin na aabot sa P114.
160