LAGUNA – Mahigit P5.5 milyo halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Pulo 2, Brgy. Wawa, sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga.
Ayon sa report ng Siniloan Police, bandang alas-10:00 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang Municipal Drug Enforcement Team (MDET) na nagresulta sa pagkaaresto sa HVI na kinilala sa pangalang “Jerald”, 32, at residente ng nasabing barangay.
Nakumpiska sa suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 810 grams at tinatayang P5,508,000.00 ang halaga.
Nakumpiska rin sa suspek ang isang digital na timbangan at isang itim na backpack na ginamit bilang lalagyan.
Kasalukuyang nakakulong na ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
