TUMATAGINTING na P6.8-milyong halaga ng droga ang timbog ng mga listong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Clark, Pampanga at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay.
Sa Clark, P5.4 milyong halaga ng ecstasy tablets na idineklarang “bass booster speakers” mula sa Brussels, Belgium ang natunugan ng mga alertong operatiba ng BOC-Port of Clark makaraang isailalim sa x-ray scanning ang kontrabando.
Isinagawa ang pisikal na pagsusuri na humantong sa pagkumpiska ng isang speaker at 4 packs ng self-sealing plastic sachet na itinago sa pagitan ng 4 na gilid ng
karton.
Nasa humigit-kumulang 3,215 na piraso ng hinihinalang party drugs na ecstasy sa tatlong magkakaibang anyo at hugis ang tumambad sa pagitan ng mga kartong sisidlan ng mga bass booster speakers.
Samantala, pinatunayan ulit ng BOC – Port of NAIA na hindi na makakalusot sa mapanuring ahensya ang tangkang pagpuslit ng droga makaraang masabat ang halos isang milyong pisong halaga ng ecstasy at cannabis sa pangunahing Paliparan sa bansa.
Sa ulat ng BOC-NAIA, apat na bagaheng naglalaman ng iba’t ibang klase ng drogang idineklarang bitamina ang nasilat ng mga operatiba. Batay sa mga dokumentong
kalakip ng mga naturang bagahe, lumalabas na pawang nagmula pa ang mga nasabat na droga sa Estados Unidos at bansang Alemanya.
Ayon kay BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, dalawa sa apat na kontrabando ang nasabat sa Central Mail Exchange Center (CMEC), habang dalawa pang bagahe naman ang nabulilyaso sa mga bodegang pinangangasiwaan ng FedEx at DHL.
Sa imbentaryo, kabilang sa mga nasamsam ang 394 pirasong tableta ng party drugs na higit na kilala sa tawag na ecstasy, 425 gramo ng cannabis at cannabis oil.
Agad namang inilipat ng BOC-NAIA ang kustodiya ng mga nasamsam na kontrabando sa pag-iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang pagsasampa ng asuntong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga taong nakatala sa dokumentong kalakip ng mga naturang kontrabandoimbesitigahan natin ni
194
