PAANO NA ANG CAREER NI JULIA?

olea(NI JERRY OLEA)

MAY pag-asa bang magkabati-bati ang mga Barretto ngayong Kapaskuhan, o bago sumapit ang bagong taon?

Panay-panay ang pakikipag-bonding ni Mommy Inday Barretto kina Gretchen at Claudine. Nakaka-good vibes!

Paano na ang career ni Julia Barretto kung hindi pa rin makikipag-ayos sila ng kanyang inang si Marjorie sa kanilang mga kapamilya?

30K PER HADA SI POGILICIOUS YOUNG ACTOR

Desperado na ba ang yummylicious pogilicious na young actor? Isa siya sa mga lalaking starlet na matagal-tagal na sa showbiz pero nananatiling one of those.

Nag-over da bakod siya, asado at hopia na mabigyan ng pagkakataong sumikat. Talap-talap naman kasi ang kanyang abs, at kahit paano ay talentado siya sa iba’t ibang larangan.

Pero mailap ang suwerte sa kanya. Maging ang ex-GF niyang young actress, aandap-andap pa rin ang career. Naghihilahan ba sila pababa dahil sa negatrons?

Ang tsika, pahada na ang young actor sa mayayamang bading sa halagang P30,000 pataas.

Presyong kaibigan pa minsan, pwedeng tawaran hanggang P20,000.

PAANDAR SA 45TH MFFF: ION AT VICE NAG-CHUGUG, RPCCP-MILES MAY PA-KILIG

Nagpapaandar na ang official entries ng 45th Metro Manila Film Festival.

Nag-chugug sa Bohol last Sunday night ang mag-sweethearts na sina Vice Ganda alang-alang sa M&M: The Mall, The Merrier.

Hindi na ka-join sa promo tour doon ang buntis na si Anne Curtis. Doon na muna sa Bisaya nag-mall tour sina Vice & Ion para hindi maagawan ng eksena ang last stretch sa pasiklab ng Unbreakable na showing na sa mga sinehan.

Sa Monday night ay red carpet premiere na ng Write About Love sa SM Megamall. Ito lang ang romcom sa MMFF 2019.

Magpapakilig dito ang mga tambalang Rocco Nacino-Miles Ocampo at Joem Bascon-Yeng Constantino.

Ang Mindanao na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon, sa direksyon ni Brillante Mendoza, ay umarangkada sa mga international filmfest.

Nag-world premiere ang Mindanao last month sa 24th Busan International Film Festival. This November, lumahok ito sa Taipei Golden Horse Film Festival (TGHFF), Kolkata International Film Festival (KIFF), Tallinn Black Nights Film Festival (TBNFF), at Cairo International Film Festival (CIFF).

FROZEN 2 MAS MALAKAS ANG WORLDWIDE OPENING

Ramdam na ramdam natin ang lakas ng Frozen 2. Ang opening weekend gross (Nobyembre 22-24) nito sa North America ay $130.3M.

Sa international market ay humamig agad ito ng $228.2M.

#1 ang Frozen 2 sa lahat ng bansa na nag-open ito, kabilang ang China, Korea, Japan, UK, Germany, France, Mexico, Indonesia, Philippines at Spain.

Oo, Tito KC! Ang Frozen sequel ang may pinakamalakas na worldwide opening para sa isang animated film — $358.5M.

No wonder, luray-luray ang Adan at Damaso na nangahas makipagpingkian dito… Kikiam ng ina mo! Tara, mag-kiksilog na lang tayo!

ASWANG KASAMA SA CANNES NG DOCUMENTARY FILMMAKING

Kasama ang Aswang ni Alyx Ayn Arumpac sa 12 entries sa 32nd International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) Competition for First Appearance 2019 sa Netherlands.

Ang Aswang ay tungkol sa war on drugs sa Pilipinas. Co-production ito ng Pilipinas, France, Norway, Qatar, at Germany.

Makakalaban nito ang mga produksyon galing Spain, Russia, Qatar, Denmark, Brazil, Poland, China, UK, Serbia, Croatia, Colombia, at Georgia.

Ang IDFA ay itinuturing na Cannes sa mundo ng documentary filmmaking. Nagpapalabas ito ng mahigit 300 na pelikula taun-taon kaya kasama ito sa mga nangungunang international documentary film fest.

Nag-world premiere ang dokumentaryong “Aswang” sa Amsterdam noong Nobyembre 21.

Ayon sa direktor na si Arumpac, “We’re very proud and grateful to premiere at IDFA, and happy that we were selected for the competition lineup.

“IDFA is one of the film’s biggest supporters, through its Bertha Fund, IDFAcademy Summer School, and the IDFA Forum. Despite this, all films still have to undergo a selection process to be able to screen or compete in the festival.”

Sold out ang dalawang screening ng “Aswang” sa Amsterdam!

 

263

Related posts

Leave a Comment