PABAHAY SA 6M PAMILYANG BACOOREÑO KASADO

TARGET ang mahigit anim na milyong pamilyang Pilipino na mga Bacooreño, na mabiyayaan ng pabahay hanggang sa taong 2028.

Ito ang laman ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Government ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike Revilla, at ng Department of Human

Settlement and Urban Development (DHSUD) na pinamumunuan ni Secretary Jose Acuzar, na nagpapatibay sa kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng pambansang pabahay para sa Filipino (4H) Program.

Layunin nito na magbigay ng solusyon sa pabahay at sa pamamagitan ng programang ito, ang mga benepisyaryo na may kwalipikasyon ay magkakaroon ng access sa abot-kayang mga pagkakautang para sa pagbili o pagtayo ng kanilang mga tahanan.

Bukod pa rito, ang City Government ng Bacoor ay magbibigay ng kanilang mga mapagkukunan sa larangan ng teknikal, pinansyal at mga tauhan upang suportahan ang matagumpay na pagpapatupad ng programang ito.

Ang pagsasaayos ng pondo para sa 4PH program ay gagawin sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund sa Direct Development Loan Program nito.

(SIGFRED ADSUARA)

315

Related posts

Leave a Comment