PACQUIAO AT MORENO, PABOR SA E-SABONG

POSITIBO ang reaksiyon ng ilang presidential candidates ukol sa e-sabong.

Sa “Panata sa Bayan” forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), pabor sina Manila City Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao

sa electronic sabong at ilang online games o gambling.

Ang nais lang DAW nila ay i-regulate ito.

“Kung talaga siyang pro­b­lema, legal o ilegal, ­mananatili siyang problema,” ani Moreno. “I would rather put them under the authority and supervision of the state.”
Kailangan aniya ng pondo ng gobyerno lalo na’t nananatili pa rin ang krisis sa buong mundo.

Ang online gambling at e-sabong ay kasalukuyang saklaw ng PAGCOR o Phil. Amusement and Gaming Corp.

Para kay Moreno, kung magtutuloy-tuloy rin naman ang e-sabong kahit pa mayroon nang legal ­quest­ions dito, mas mainam na rin aniya na i-regulate na lamang din ito ng pamahalaan para mas mabantayan na rin ito ng mga awtoridad.

Sa panig naman ng Pambansang Kamao, bilang bahagi na rin ng kultura ng Pilipinas ang sabong, dapat i-regulate na lamang din ito ng pamahalaan.

“Ang online sabong sa bansa natin ay kulturang Pilipino po ‘yan. Kailangan po nating i-regulate at ­ma-manage nang husto ng ­ating gobyerno na lahat ng maglalaro ay may sapat na kakayahan at edad. Hindi ‘yung mga bata pumapasok at nagsusugal diyan… Hindi po ako pabor sa pagsara ng e-sabong,” wika ni Pacman.

Ayon kay Pacquiao, dapat tiyakin na tanging ang mga qualified lamang ang maaaring sumali rito.

Well, tama nga naman si Pacquiao dahil maraming kolorum na e-sabong operators ngayon.

Ilan lang naman ang binigyan ng go-signal ng PAGCOR para mag-operate.

Tandaan na ngayong panahon ng pandemya, ­maraming natutulungan ang Pitmaster Foundation na siyang charity arm ng Pitmaster Live ni Charlie “Atong” Ang.

Bukod dito, ubod din ng dami ang nabibigyan ng oportunidad ng trabaho.

Kailangan natin ang ­industriyang ito upang ganap na ­makabangon ang ­bansa mula sa ­kasalukuyang krisis.

161

Related posts

Leave a Comment