PACQUIAO NEGATIBO SA COVID-19

manny

IBINALITA ni Senador Manny Pacquiao na pawang negatibo ang resulta ng kanyang pagsusuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gamit ang rapid testing kit mula sa South Korea.

Sa pahayag, nilinaw ni Pacquiao na bago pa man niya natanggap ang liham mula kay Barangay Captain Rosanna Hwang, nakapagdesisyon na siya na mag-home quarantine.

“Pagkatapos po ng Special Session sa Senado noong Lunes, March 23, ay hindi na po ako lumabas ng aming bahay,” ayon kay Pacquiao.

“Excited pa naman sana ako sa turn-over ng 57,600 Test Kits mula sa aking kaibigan na si Jack Ma para sa Manny Pacquiao Foundation ngunit minabuti kong manatili sa bahay,” dagdag pa niya,

Ngunit, sinabi ni Pacquiao na lubha siyang nalungkot nang malaman na positibo ang mga kasamahan partikular sina Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Juan Edgardo “Sonny” Angara at Aquilino “Koko” Pimentel III.

“Nalulungkot po ako na may mga kasamahan ako sa Senado na positibo sa Covid-19. Dahil nakasalamuha ko sila, alam ko na ako ay considered as Person Under Monitoring o PUM,” ayon kay Pacquiao.

Aniya, matagal na siyang hinihikayat ng kasamahan na magpasuri sa Research Institute for Tropical Medicine, ngunit tinanggihan niya dahil wala siyang nararamdamam.

“Once I experience symptoms, I am willing to undergo the swab testing for the sake of my family and my country, but I will go through the regular procedure. Naniniwala po kasi ako na marami tayong Persons Under Investigation o PUI na dapat unahin pagdating sa testing,” ayon pa sa mambabatas. ESTONG REYES

389

Related posts

Leave a Comment