PACQUIAO PINATALSIK SA PDP-LABAN

KINUMPIRMA ng PDP-Laban-Cusi Wing na awtomatiko nang expelled sa kanilang partido si Senador Manny Pacquiao matapos itong maghain ng certificate of candidacy sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives (PROMDI).

Ayon kay PDP Laban Secretary General Melvin Matibag, alinsunod sa Section 6, Article VII ng PDP Laban Constitution, ang paghahain ng isang miyembro ng certificate of candidacy sa ilalim ng ibang political party ay ground for automatic expulsion.

Sinabi ni Matibag na nagpulong ang PDP Laban National Executive Committee noong October 1 at inaprubahan nila ang resolution na nagpapatalsik kay Pacquiao.

Iginiit ni Matibag na maituturing itong disloyalty, betrayal, at abandonment ng PDP Laban.

Idinagdag pa ng abogado na pinatunayan lang ng kampo ni Pacquiao na hindi sila maituturing na ligal na mga miyembro pa ng PDP-Laban

Cusi, Matibag walang alam – Koko

Nanindigan naman si Senador Koko Pimentel na may go signal ng PDP-Laban ang paghahain ni Pacquiao ng kandidatura sa ilalim ng PROMDI dahil sa alyansa.

“Cusi+Matibag do not know the facts. There is a PDP LABAN, PROMDI, PCM ALLIANCE AGREEMENT called “MP3 Alliance” where the alliance partners also proclaimed Sen. Manny Pacquiao as their presidential candidate,” paliwanag ni Pimentel.

Ipinaliwanag ni Pimentel na alinsunod sa inaprubahang resolution ng PDP-LABAN National Executive Committee, pinapayagan si Pacquiao na gamitin ang Promdi cona upang ma-consolidate ang kanyang support base at alliance partners. (DANG SAMSON-GARCIA)

123

Related posts

Leave a Comment