TINUGUNAN na ng House Justice committee ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng batas para ibalik ang parusang kamatayan sa bansa lalo na sa mga sangkot sa ilegal na
droga.
Sa pamamagitan ng virtual hearing, sinimulan ni Leyte Rep. Ching Veloso ang pagdinig sa 13 panukalang batas na nagsusulong na ibalik ang parusang kamatayan kasama na ang House Bill (HB)
1588 na inakda ni House majority leader Bienvenido Abante at HB 2026 ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers.
Ani Abante, sinomang tao na nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay para na ring isinuko ang karapatan na manatili sa lipunan subalit dahil sa kawalan ng parusang kamatayan sa bansa ay
nananatiling buhay pa ang mga ito.
Ayon naman kay Barbers, hangga’t hindi naibabalik ang parusang kamatayan sa bansa ay walang makapipigil sa mga drug lord, lokal man o international na manatili sa bansa.
Sinuportahan naman agad ng Department of Justice (DOJ) ang panukala sa pamamagitan ng
kanilang kinatawan sa nasabing pagdinig na si Assistant Secretary Nicolas Ty. (BERNARD TAGUINOD)
