PAGBABALIK NG E-SABONG INAABANGAN NA NG BAYANG SABUNGERO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TALAGANG inaabangan na ng bayang sabungero ang pagbabalik ng operasyon ng online cockfighting.

Ngunit kung ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang tatanungin, hindi pa raw alam ng board nila kung ihihinto ang operasyon ng e-sabong tulad ng utos ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na nagsabing kokonsultahin pa raw nila si Pres. Bongbong Marcos ukol sa usapin.

Hindi naman daw magtatagal ay pagdedesisyunan na ito.

“I have not had a chance to discuss the matter with the members of the board nor have I also discussed the matter with […] President [Bongbong] Marcos [Jr.] so I cannot make a categorical answer as of today,” wika ni Tengco sa tanong ni Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren kamakailan hinggil sa usapin.

Nagtanong daw kasi ang mga operator kay Pumaren kung papayagan na muli ito o hindi.

Matagal na raw aniya itong inihihirit ng mga operator dahil siyempre, may negosyo sila at may binabayarang bills at iba pa.

“They’re paying rent right now, they’re incurring expenses,” aniya.

Aminado si Tengco na marami rin talagang nagtatanong sa kanya ukol sa magiging kapalaran ng e-sabong.

“I can only say that in response to those questions that we are getting, I suppose we will have to make a decision very soon or at the soonest possible time,” sabi ni Tengco.

Well, tinitingnan din naman daw nila ang lahat ng isyu na nakakapit dito.

“But then again, we will have to consider all the different issues and, with that, maybe come up with either we affirm […] the decision of the previous administration or we do certain changes,” sabi ng opisyal.

Ang natitiyak niya raw ay “isa rin po iyan sa kaagad na pag-aaralan ng Pagcor at magsusumite ng isang rekomendasyon sa Pangulo ng Pilipinas.”

Kung matatandaan, ipinag-utos ni dating Pangulong Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong noon Mayo ng taong tio matapos maglahong parang bula ang tinatayang higit 30 sabungero.

Gayunman, sa pagkawala ng online cockfighting ay marami ring nawalan ng hanapbuhay at apektado rin ang kabuhayan at negosyo ng mga magsasaka.

Sabi nga, abangan ang susunod na kabanata.

213

Related posts

Leave a Comment