SMB HARI MULI NG ALL-PINOY CUP

NABAWI ng San Miguel Beermen ang PBA All-Filipino crown mula sa TNT Tropang GIGA, Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum.

Umabot sa decider Game 7 ang 2022 PBA Philippine Cup Finals ngunit sa huli ay namayani  ang SMB kontra TNT, 119-97.

Huling pinagharian ng Beermen ang Philippine Cup noong 2019, matapos ang limang sunod na All-Filipino titles. Makaraan ito’y nagkaroon ng transition ang team at na-trade ang dalawa sa tinaguriang “Death Five” na sina Arwind Santos at Alex Cabagnot, na pinalitan nina CJ Perez, Vic Manuel at Simon Enciso.

Samantala, ipinagpatuloy ng tatlo sa natirang core group — June Mar Fajardo, Chris Ross at Marcio Lassiter — ang misyon na bawiin ang kanilang All-Pinoy title nang muling akayin ang SMB sa panalo.

Noong unang quarter ay dikit pa ang laban, 29-31, pabor sa TNT. Ngunit agad nakabalikwas ang Beermen at rumemate sa pagtatapos ng first half, 66-55.

Nagising ang Tropa pagpasok ng second half at muling kinuha ang bentahe, 84-89, sa pangunguna ni Jayson Castro.

Subalit sa fourth quarter, nagsagawa ng 17-0 run ang Beermen at hindi na hinayaang muling makadikit pa ang Tropa sa gitna nang hiyawan ng higit 15,000 fans na dumagsa sa Big Dome.

268

Related posts

Leave a Comment