PAGBABALIK NG F2F CLASSES DAPAT SLOWLY BUT SURELY – SOLON

HINIKAYAT ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pamahalaan partikular ang Department of Education (DepEd) na pakinggan at paghandaan ang hinaing ng teachers at grupo ng mga Education Advocate para sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon kay Quezon City Congressman Alfred Vargas, kabilang sa inaasam ng mga guro sa pagbabalik ng tradisyunal na pag-aaral ang additional hazard pay at enforcement of health protocols.

“Dapat lahat ng concerns ay paghandaan. Hindi po biro-biro ang resumption ng face-to-face classes, lalo na’t patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19, ika nga eh kailangan ‘slowly but surely”, The concerned government agencies must ensure that the health and safety of teachers, students, and school personnel are not compromised,” ani Rep. Vargas.

“Health and safety should be a priority. All bases must be covered, and all protective measures should be in place and the protocols clearly stated and known by all. We don’t want face-to-face classes to be spreader events, Let’s not rush into it. Huwag po tayong magmadali,” pahayag pa ng mambabatas.

Kamakailan, inihain ng QC lawmaker ang House Resolution 2204 na humihiling sa Kongreso na busisiin ang ipinatutupad na blended and distance learning at ang iminumungkahi na limitadong face-to-face classes.

Nakapaloob sa inihaing resolusyon na ang DepEd at Department of Health (DOH) ay dapat gumawa ng mga hakbangin para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga piling paaralan.

Nabatid na maging ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ay hinihikayat ang pamahalaan na unti-unti nang pabalikin sa eskwelahan ang mga mag-aaral.

“Senior high school students, especially under the Technical-Vocational-Livelihood (TVL) tracks “might need more limited and controlled face-to-face classes for their specialized and practical exercises,” nakasaad pa sa resolusyon. (CESAR BARQUILLA)

311

Related posts

Leave a Comment