NAGMISTULANG inutil ang kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na supilin ang naglipanang ilegal na online sabong sa bansa dahilan sa kawalang aksiyon ng pamunuan ng Pambansang Pulisya, maging ng sekretaryo ng Department of Interior and Local Governments na si Benjamin Abalos, Jr.
“Sa ngayon ay tatlong untouchable na e-sabong operations ang hindi masawata sa ilegal nilang operasyon sa kabila ng umiiral na kautusan ng Malakanyang na Executive Order (EO) No. 9,” pahayag ng isang heneral sa Camp Crame na umaaming hindi nila kayang ipahinto ang nasabing ilegal na online cockfights dahil konektado sa DILG ang mga ilegalistang nagmamay-ari nito.
Binanggit ng heneral ang Sabong Express sa gitnang Luzon, ang SWW sa katinugang Luzon at ang Global Sabong Play na umano’y tahasang sinasalungat ang EO-9 dahil sa proteksiyong ininibigay ng taga-DILG, PNP at National Bureau of Investigation kapalit ng buwanang daan-daang milyong pisong proteksiyon money.
“Kilalang gambling lord ang nasa likod ng Sabong Express, mga sikat na gamefowl breeder naman sa pangunguna ng isang Jcap at Jber ang nasa likod ng WWS na kasabwat ang ilang aktibong heneral at ang GSP naman ay pinatatakbo ng nga dating kasapi ng Pitmaster na kakutsaba ang ilang sikat na personalidad sa media at isang partylist member ng Kongreso at Chinese financers.
Nauna nang kinalampag ng isang ooisyal nula sa intelligence community ang pamunuan ng DILG dahil sa alingasngas na tahasan umanong kinokonsente ni Sec. Abalos ang online sabong sa kabila ng umiiral na EO-9 na dapar sana’y siya ang mangunguna sa pagpapatupad nito.
Ito ang sinabi ng opisyal mula sa ‘intelligence “Kung magiging seryoso lamang si Abalos upang ipatupad ang Executive Order No. 9 ng Pangulong Bongbong Marcos ay walang dahilan para maglipana ang ilegal na online sabong sa Pilipinas,” pahayag ng intel officer.
Nabatid na sa kabila ng EO9 ni PBBM, tuloy ang pamamayag ng online sabong na ang karamihan ay nakabase sa Central Luzon at Southern Tagalog.
Malinaw ang nakasaad sa EO No. 9 na pinalawig ni PBMM ang naunang kautusan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipagbawal ang ‘live streaming’ o ‘broadcasting live via online o internet’ ang anumang uri ng sabong na tinatayaan ng kahit mga menor de edad.
Ngunit iba ang nangyayari ngayon partikular na sa lalawigan ng Bulacan na nasa ilalim ng pamamahala ni Col. Relly Arnedo bilang Police Provincial Director ng lalawigan.
Si Arnedo ay tao ni Police Regional Office (PRO) 3 chief Brig. Gen. Jose Hidalgo na direkta namang nakakapag-report kina PNP chief Gen. Benjamin Acorda at Sec. Abalos.
Ipinag-utos ang pagpapahinto sa dating legal na e-sabong nang sumambulat ang isyu ng 34 missing sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ng pamahalaan.
Dahil sa direktiba ng Malakanyang, ang gambling genius na si Charlie ‘Atong’ Ang ay kaagad ipinahinto ang kanyang World Pitmaster Club na nakakuha ng prangkisa noon sa PAGCOR.
364