PAGDALAW SA PUNTOD GAWIN NANG MAAGA

patay

INABISUHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na agahan ang pagbisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 33, inanunsiyo ni Moreno na mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, ang lahat ng pampubliko at pribadong memorial parks, cemeteries at columbaries sa lungsod ay isasara.

Sa nasabing petsa ay paglilibing at cremation lamang ng mga nasawi na hindi dahil sa COVID 19 ang papayagan.

Samantala, pinuri ng alkalde si administrator Yayay Castaneda sa pagkumpiska sa mga makeshift na hagdanan para makapuslit sa sementeryo.

Nakipag-ugnayan sa Manila Police District-Police Station 3 si Castaneda para kumpiskahin ang mga hagdan na pinagkakakitaan dahil sinisingil umano ng P50 bawat dadaan dito.

Setyembre pa lamang ay inanunsiyo na ni Moreno ang pagpapasara sa dalawang malaking pampublikong libingan sa lungsod para maiwasan na magkaroon ng superspreader events. (RENE CRISOSTOMO)

362

Related posts

Leave a Comment